Monday, March 27, 2006

when all turned dark...


what will you do if everything turned black/dark?

when all you can see ... nothin.(kasi nga dark, ang kulit)

ang sarap maglakad lakad sa campus....ang sarap magjog, iyong para kang lumilipad sa alapaap.
ang lungkot ng buhay, pero hindi dapat magpapatalo sa kalungkutan kahit anong mangyari. gaano man kadilim ang paligid, sige lang. wag titigil sa paglalakad, sa dulo maaaring may liwanag din. kung ala pa din, okay lang at least sinubukan mo. e di ngayon alam mo na, kaya subukan mo naman iyong ibang daan.

minsan, may nakita akong liwanag, sa sobrang kagalakan, nakalimutan ko kung bakit ako naghahanap ng liwanag, hanggang sa kinailangang maranasan ko ulit ang dilim para magising ako sa realidad ng buhay.

buhay, bakit kailangang ganito ang buhay ng tao. naitanong mo na ba sa sarili mo kung bat ka nabubuhay sa mundong ito. kung ano ang silbi mo o ano ang rason at kailangang lahat ay tahakin mo just to fulfill your wants and needs. ano nga ba ang kailangang para mabuhay kung saan masasabi mo na okay na ito. pwede na akong tumigil...

sadyang napamisteryoso ng buhay ng tao. halos lahat ng bagay sa mundong ito, misteryoso. bakit kailangng sumikat ang araw at lumubog.. bakit kumikislap ang mga bituin, hay andaming katanungan na gumugulo sa isip ng lahat, dagdag pa ang mga trahedya at pagsubok na dinadanas ng ating bansa ngayon.

gusto kong maglakad-lakad at magpahangin sa sunken..for a while kalimutan ang lahat. hayaan ang hangin na dalhin kahit saan ang aking isipan. sana masamahan mo ko pero kahit di ka makarating, alam ko na di ako nag-iisa...paalam muna, mundong walang pahinga...

hayyyyyy, gusto ko magpahinga kahit saglit, noh...tao lang ako, hehehehehe...

Monday, March 20, 2006

Sad na happy...

happy bithday sa akin, heheheh... andami nangyari ngayong araw na ito. sobra, nasaya na malungkot. ewan, basta di ko masyado maexplain. nway, start tayo sa happy. kakamis si randel, nagkita kami kanina after i dont know how many months ba. more than ten months ata... dami napagkwentuhan namin, knowing me na sobra sa kadaldalan...im so happy sa ngyayari sa knya lately... tapos sa center, we had a small party and first time na nagbday ako sa work. paguwi sa haws, may party ulit and after, eto nga ako at katapat ang pc. i was so happy sa post sa akin ni dan pero nalulungkot ako ng konti sa ginawa niya kasi mas lalo akong nahihirapan now, anyway iba ng story un....

tapos, haols lahat pa din naalala bday ko maliban sa iilan and aawayin ko sila, hehehe...joke. im sad kasi lately andami ko iniisip and di ko na lam gagawin ko. minsan kasi mahirap gawin ang tama, pilit mo man gawin ang lahat para maging madali, mahirap talaga. basta, ala lang gusto ko lang magdaldal kahit na bitin, pagbigyan na niyo ko, bday ko naman , hahahaha...

basta, kaya ko to, o di ba, ano ba nagbago sa akin, ala naman..pretend na lang na meron, hehehe. thanks ulit sa mga nakaalala, ty po....love u all, mwuah....