Tuesday, August 30, 2005

sa WAKAS!!!

m so hapi today... ang sarap ng pakiramdam ng walang tinatago.
nasabi ko na din sa kanila lahat and kakaiba ng pakiramdam..thank you at ganun ang naging reaction nila, i thought before iba...
the truth is, siya ang nagpalakas ng loob ko para sabihin sa kanila iyon, thank's po...
promise, gagawin ko na talaga kung ano ang tama at kung ano ang dapat...
hi baby, miss na miss na nman tuloy kita...ano na naman kaya ang ginagawa mo ngaun...
love you so much...mwuah...

Sunday, August 28, 2005

oi kilig....

hahaha...pagbigyan niyo na ako...masya lng talga ako lately..ewan, basta sana wag na muna ito magstop..nakakamis na din kasi iyong feeling. and okay na sa akin na ganito na lang......oh my, sinabayan pa ng favorite kong song..all my life...there was a time that i just thought that i would lose my mind....ayan, kinopya na daw iyong lyrics....hay ang saya ng buhay kapag ganito, hehehe...

when was the last time ba na nakaramdam ako ng ganito? i think last year, nung malapit na akong magbirthday...tagal na din pala,at least alam ko pa ngaun.... thank's...

Monday, August 15, 2005

mag-isip isip

minsan, napapag-isip ako kung ano ba talaga ang wuya kong mangyari sa buhay ko...
halos yaon na sako ngunyan ang gabos,
my ever loving family, ever supportive friends, and my one and only son...
so far im doin great ngunyan...im doin fine with my studies kahit lagi nagkakaprob sa kwarta...sus dai man ini mawawara, lalo na sa tigigibo ni papa lately...
tig-isip ko na lang si papa na talaga siguro ang saro pa sa prob na dai mawawara sa muya but i do love him so much..namimis ko na ngani siya lalo na si mama...
after i graduate, if makagrad pa, ano ba ang wuya kong gibuhon...
c matt, ano ba ang gusto ko na mangyari sa buhay niya...kaya ko nga ba ito on my own...
sigurado ba ako na kaya ko kahit ako lang...sa ngaun oo ang sagot ko pero what if sa pagbabago kan panahon magbago man ako, kaya ko ba?
takot na akong magpadaba ta takot na akong makulugan...habo ko na mag-agom sa totoo lang, pero kaya ko nga ba...pano ko papadakulaon c matt na dai masyado nin probleme lalo sa pagkatao niya...not always yaon ang family ko sa side ko and ang mga friends ko ta sooner or later they will have a family of their own...

KAYA KO NGA BA? WHAT SHUD I DO....

this is it...

for the past few weeks, i have this problem that i can't share with anyone.
almost every night, i talked to Him and begged...
just last Saturday, He have granted my request and i was so happy...
Promise i'll not do it again and from now on...this is it...i'll follow His will...
Thank you so much for giving me this second chance to correct my mistakes,
i will never forget that day... at first i don't know what to do, i thought i'd die but it didn't happen and i was so relieved...truly He love me that much and He doesn't want my life to go astray...
I LOVE YOU
with all my heart
with all my mind and
with all my soul...
THANK YOU

Sunday, August 07, 2005

i need more strength...

what do i really want.... paulit ulit ko ng tanong ito. ano nga ba...

partly, im okay na ngaun pero gusto kong balikan ang lahat... sana magawa ko na lahat ng ngyari sa buhay ko lalo iyong mga pangit ay mailabas ko kahit sa sulat man lang.

ang sarap ng pakiramdam kapag nailalabas mo ang sama ng loob mo at ang sarap ng pakiramdam kapag alm mo na may nakikinig sayo...

pero alam kong ang iba ay napapagod na sa akin, sana huwag dumating ang time na mawala sila sa buhay ko sa rason na pagod na sila....hehehe, nagdrama daw..

minsan, nasasabi ko na life is so unfair, pero ganito naman talag ang buhay, it depends kung paano mo susuungin ang napakalakas na alon.

ang pagsubok, kailangan natin yan para malaman natin kung hanggang saan ba ang kaya natin...and sabi nga ng iba, hindi hahayaan ni God na pabayaan lang tayo sa mga bagay na alm niyang hindi natin kaya....anjan lng siya lagi, iyon ang dapat nating tandaan. hindi niya tayo pinapabayaan, iyong mga taong walang tiwala sa kanya ang nas-iisip ng ganun...

just hold on ang never lose Faith, ika nga... enjoy life....

ala lang

this past few days...ang saya-saya ng mga araw ko.

after my exam. though i know that i am not gona pass it, okay lang sa pakiramdam kasi alam ko kung bat ako namali na kung pauulitin sa akin iyon, masasagutan ko ulit siya kesa iyong hindi ko talaga alam ang sagot...

i greeted her happy birthday and kahit ganun iyong reply niya....enuf na iyon to make me stop....tama na, sobra na, i have other things na dapat asikasuhin kesa ang i please siya or shall i say sila...bahala na sila sa buhay nila, taray noh...

nag-away kami ng isa kong friend last thursday pero naayos na din agad...minsan nakakapagod na din talaga pero sige lang, hanggat kaya di ba, bat ka susuko...ang sumusuko iyong mahihina lang at walang tiwala sa sarili nila...

last friday, umiyak ang kapatid ko sa trabaho niya...ang hirap kasi napahina ng loob niya. ang hirap mag-explain na ganyan talaga ang buhay dito, kailangan makipagsabayan to survive. medyo naaawa ako sa kanya kasi alam kong nahihirapn talaga siya pero kung may magagawa lang sana ako pero hindi...time will come na pagdadaanan niya talaga ang ganyan, if not now kelan pa di ba...kapag may gusto kang marating o maabot, mas masrap sa pakiramdam kapag pinaghirapan mo talaga....

kahapon nanood kaming mgakakaibigan ng game ng UP. kahit talo ang saya at ang ingay...lalo kapag kasama mo mga kaibigan mo, kahit malunkgot, nagiging walang kasing saya ang araw mo kasi kasama mo sila. tapos, kahit mabiga sa bulsa, hehehe...sige lang kasi minsan minsanan lang ito and sa totoo lang, no regrets...wish ko nga sana maulit agad ang ganun pero kailangan ko muang magtrabaho, hehehe.

hay, pera...bakit ba kailoangan ng pera...hindi ba pwedeng makuntento na lang sa kung ano ang meron at di na kailangang maghanap pa....mahirap din talaga sabihin na okay ka na sa buhay mo. kaasi kapag nangarap ka ngaun taposdumating nga ang araw na natupad mo na iyong pangarap mo, there is always a point in life na magtatanong ka na i can do more and i can achieve more kaya mangangarap ka na namna hanggang sa mamamalayan mo na ala ka ng tigil sa kakakilos, maabot mo lang mga pangarap mo... sabagay dapat nga ba tayong tumigil....

kung ala kang pangarap, ask yourself why u still exist..parang sa love din, walang silbi ang buhay kung hindi ka nagmamahal....hanggat kaya mo pang magbigay sige lang....kapag tumanda ka na, ala kang pagsisisihan....trust me with this, i tell you....