ala lang
this past few days...ang saya-saya ng mga araw ko.
after my exam. though i know that i am not gona pass it, okay lang sa pakiramdam kasi alam ko kung bat ako namali na kung pauulitin sa akin iyon, masasagutan ko ulit siya kesa iyong hindi ko talaga alam ang sagot...
i greeted her happy birthday and kahit ganun iyong reply niya....enuf na iyon to make me stop....tama na, sobra na, i have other things na dapat asikasuhin kesa ang i please siya or shall i say sila...bahala na sila sa buhay nila, taray noh...
nag-away kami ng isa kong friend last thursday pero naayos na din agad...minsan nakakapagod na din talaga pero sige lang, hanggat kaya di ba, bat ka susuko...ang sumusuko iyong mahihina lang at walang tiwala sa sarili nila...
last friday, umiyak ang kapatid ko sa trabaho niya...ang hirap kasi napahina ng loob niya. ang hirap mag-explain na ganyan talaga ang buhay dito, kailangan makipagsabayan to survive. medyo naaawa ako sa kanya kasi alam kong nahihirapn talaga siya pero kung may magagawa lang sana ako pero hindi...time will come na pagdadaanan niya talaga ang ganyan, if not now kelan pa di ba...kapag may gusto kang marating o maabot, mas masrap sa pakiramdam kapag pinaghirapan mo talaga....
kahapon nanood kaming mgakakaibigan ng game ng UP. kahit talo ang saya at ang ingay...lalo kapag kasama mo mga kaibigan mo, kahit malunkgot, nagiging walang kasing saya ang araw mo kasi kasama mo sila. tapos, kahit mabiga sa bulsa, hehehe...sige lang kasi minsan minsanan lang ito and sa totoo lang, no regrets...wish ko nga sana maulit agad ang ganun pero kailangan ko muang magtrabaho, hehehe.
hay, pera...bakit ba kailoangan ng pera...hindi ba pwedeng makuntento na lang sa kung ano ang meron at di na kailangang maghanap pa....mahirap din talaga sabihin na okay ka na sa buhay mo. kaasi kapag nangarap ka ngaun taposdumating nga ang araw na natupad mo na iyong pangarap mo, there is always a point in life na magtatanong ka na i can do more and i can achieve more kaya mangangarap ka na namna hanggang sa mamamalayan mo na ala ka ng tigil sa kakakilos, maabot mo lang mga pangarap mo... sabagay dapat nga ba tayong tumigil....
kung ala kang pangarap, ask yourself why u still exist..parang sa love din, walang silbi ang buhay kung hindi ka nagmamahal....hanggat kaya mo pang magbigay sige lang....kapag tumanda ka na, ala kang pagsisisihan....trust me with this, i tell you....
No comments:
Post a Comment